Humingi ng paumanhin si House prosecution lead prosecutor at Batangas Rep. Gerville Luistro kay Senate President Sherwin Gatchalian sa ngalan ng buong House Prosecution Panel kaugnay ng nag-viral na “wacky” photo ng kanilang grupo sa loob ng Session Hall ng Senado.
Kasunod ito ng puna ni Gatchalian sa nasabing larawan, na aniya ay iniimbestigahan na niya dahil dapat igalang ang Session Hall at ang buong Senado bilang lugar kung saan tinatalakay at ipinapasa ang mahahalagang batas.
Nilinaw naman ni Luistro na wala silang intensiyong gawing katatawanan ang Senado.
Paliwanag niya, hindi lamang nila napigilan ang kanilang tuwa at pananabik sa pagsisimula ng tatlong linggong recess ng impeachment trial, na magpapatuloy sa Nobyembre 9.
Dagdag pa ni Luistro, seryoso ang kanilang mga naunang kuha ng larawan hanggang sa may nagmungkahi na kumuha naman sila ng “wacky” photo, na siyang naging dahilan ng kinalabasan ng viral na larawan.
--Ads--











