Handa umanong harapin ni dating House Speaker at Leyte 1st District Representative Ferdinand Martin Romualdez ang anumang reklamong maaaring ihain ng Office of the Ombudsman kaugnay ng umano’y mga anomalya sa flood control projects.
Ayon sa legal counsel ni Romualdez na si Atty. Ade Fajardo, walang ebidensiyang nag-uugnay sa kongresista sa mga alegasyon. Iginiit niya na wala pang pormal na kaso laban kay Romualdez at nasa case build-up stage pa lamang ang usapin.
Sinabi rin ni Fajardo na wala pang isinasagawang preliminary investigation kaugnay ng naturang mga alegasyon. Aniya, nakahanda ang kampo ng dating House Speaker na sagutin at harapin ang anumang reklamo kung sakaling magkaroon ng pormal na paghahain ng kaso.
Nauna nang lumutang ang mga ulat hinggil sa umano’y iregularidad sa ilang flood control projects na sinusuri ng mga kinauukulang ahensya. Gayunman, nananatili umanong walang direktang ebidensiya na nag-uugnay kay Romualdez sa naturang mga alegasyon.











