--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagbigay ng sapat na panahon ang pamahalaang Saudi Arabia para maiuwi sa Pilipinas ang bangkay ng 232 na Overseas Filipino Workers (OFW’s) na namatay sa iba’t ibang lugar sa nasabing bansa habang ililibing na doon ang 50 na namatay sanhi ng Coronavirus Disease (COVID-19).

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na unang nagbigay ng 72 hours ang hari ng Saudi Rabia para maiuwi sa Pilipinas ang bangkay ng mga 282 OFW’s kung hindi ay ililibing na doon.

Ayon kay Atty. Bello, ang tanggapan ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Philippine Overseas Labor Office(POLO) sa Riyadh ay nakiusap sa pamahalaang Saudi Arabia na magbigay ng sapat na oras.

Sinabi pa ni Secretary Bello na nang iprisinta niya sa Inter-Agency Task Force (IATF) ang problema sa pagpapauwi sa bangkay ng 282 na OFW’s ay napagpasyahan nila na hindi na iuuwi ang bangkay ng 50 OFW’s na tinamaan ng COVID 19 kundi ililibing na sa Saudi Arabia dahil sa pangambang makahawa ang mga ito.

--Ads--

Ayon kay Kalihim Bello, pumayag ang Saudi Arabia na magbigay ng sapat na panahon dahil lumampas na ang 72 hours o 3 days kaya may sapat na oras ang Department of Labor and Employment (DOLE) na kausapin ang mga kamag-anak ng mga namatay na OFW’s at ipaliwanag sa kanila na delikado ang pag-uwi sa kanilang mga bangkay.

Sa 50 OFW’s na namatay sanhi ng COVID-19 ay dalawa ang mula sa Isabela at karamihan ay mula sa Mindanao.

Tiniyak ni Kalihim Bello na mabibigyan ng tulong ang pamilya ng mga namatay na OFW tulad ng death benefits, burial at scholarship benefits sa kanilang mga anak.

Ayon pa kay Atty. Bello, sa buwan ng Mayo at Hunyo 2020 ay 44,000 ang mga uuwing OFW’s.

Sa nasabing bilang ay 16,000 na ang nakakumpleto ng mga papeles.

Ang pahayag ni Labor Secretary Bello III