--Ads--

Kinumpirma ni Senate President Pro-Tempore at Acting Senate President Sherwin Gatchalian na magbabalik ang sesyon ng Senado sa Lunes, Hunyo 15, 2026, sa kabila ng umiiral na isyu sa liderato ng Mataas na Kapulungan.

Ayon kay Gatchalian, paiiralin pa rin ang mas mahigpit na seguridad sa Senado bukas, kabilang ang pagpapatupad ng “no visitor policy” bilang bahagi ng mga precautionary measures dahil sa umano’y banta sa seguridad na iniulat ng National Bureau of Investigation o NBI.

Nauna nang naglabas ng memorandum ang opisina ni Gatchalian noong Hunyo 9 para magpatupad ng heightened security protocols.


Gayunpaman, hindi malinaw kung anong uri ng convening ang gaganapin sa bukas, dahil wala pang detalyeng inilalabas kung ito ba ay regular session, organizational meeting, committee hearing, o iba pang special proceeding.

--Ads--

Kasabay nito, nananatili ang hindi pagkakasundo sa liderato ng Senado. Ayon kay Senator Alan Peter Cayetano, sapat ang boto ng 13 senador upang ma-validate ang eleksyon ng Senate president, habang patuloy na pinagtatalunan ang naging proseso ng pamumuno sa Senado.

Dahil dito, nananatiling palaisipan sa publiko kung paano eksaktong gagana ang Senado sa pagbabalik ng kanilang pag-convene sa Hunyo 15.