--Ads--
Tatalakayin ng Senado bilang Committee of the Whole ang isyu sa Pax Silica initiative matapos aprubahan ang mosyon ni Senator Juan Miguel Zubiri noong Martes, Setyembre 8.
Ayon kay Zubiri, mahalagang mabigyan ng mas malawak na talakayan ang usapin dahil hindi lamang ito saklaw ng environment at economic affairs committees.
Sinabi naman ni Senate President Sherwin Gatchalian na urgent ang usapin dahil nagpapatuloy na ang proyekto.
Kabilang sa mga vice chair ng Committee of the Whole sina Senators Raffy Tulfo, Robin Padilla, Risa Hontiveros, Bam Aquino at Zubiri.
--Ads--










