--Ads--

Mariing tinututulan ng ilang grupo ng kabataan sa Cauayan City ang planong pagtatayo ng Industrial Hub o Pax Silica sa Pilipinas dahil sa posibleng epekto nito sa kalikasan at likas na yaman ng bansa.

Kasunod ito ng sunod-sunod na kilos-protesta at rally ng mga kabataan sa iba’t ibang bahagi ng bansa, kabilang ang Cauayan City, upang ipahayag ang kanilang pagtutol sa proyekto.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Queenie Tolentino, student leader at kinatawan ng mga kabataan sa lungsod, sinabi nitong hindi magiging kapaki-pakinabang sa pangmatagalan ang proyekto dahil maaaring masira ang likas na yaman ng bansa.

Kinuwestiyon din niya ang pangakong trabaho bilang benepisyo ng proyekto dahil maaaring panandalian lamang ang mga oportunidad na maibibigay nito kumpara sa pangmatagalang epekto sa kalikasan.

--Ads--

Tiniyak ni Tolentino na magpapatuloy ang pagkilos ng kabataan upang tutulan ang plano at protektahan ang kalikasan at kinabukasan ng mga susunod na henerasyon.