--Ads--

Tiniyak ni Senate President Sherwin Gatchalian na may sapat na seguridad at proteksyon para kay Senador Risa Hontiveros matapos makatanggap ito ng mga banta sa social media.

Ayon kay Gatchalian, nakikipag-ugnayan na ang Senado sa mga intelligence agency upang masuri ang insidente at matukoy ang pinagmulan ng mga naturang banta.

Kasabay nito, iginiit ng Senate President na mahigpit ang mga paghahanda para sa ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang matiyak ang maayos at ligtas na pagdaraos ng okasyon.

Nagpasalamat naman si Hontiveros sa mga hakbang na ginagawa ng Senado para sa kanyang seguridad.

--Ads--

Matatandaang inihayag ng senadora na nakatanggap siya ng mga pagbabanta online kasunod ng pagkamatay ng vlogger na si Mima Alicia, na binaril at napatay sa labas ng kanyang tahanan sa Caloocan City noong Hulyo 17.