--Ads--

Ipinahayag ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson na ang nakatakdang paghahain ng Office of the Ombudsman ng mga kasong plunder at iba pang kaso laban sa mga sangkot sa flood control scandal ay patunay umano sa mga natuklasan ng Senate Blue Ribbon Committee.

Ayon kay Lacson, na dating pinuno ng komite, ang mga nakalap na ebidensya ay naipasa na sa Ombudsman at Department of Justice at nagsilbing batayan ng mga susunod na hakbang.

Sinabi rin ng Ombudsman na posibleng masampahan ng kaso ang ilang opisyal, kabilang sina Sen. Jose “Jinggoy” Estrada at Sen. Joel Villanueva, kaugnay ng umano’y anomalya.

Giit ni Lacson, kahit masakit na may mga kapwa mambabatas na nadadawit, tungkulin pa rin nilang sundan ang ebidensya saan man ito humantong.

--Ads--