Naaresto ang isang senior citizen na kabilang sa most wanted person dahil sa kasong dalawang bilang ng qualified rape sa Brgy. Pilig Alto, Cabagan, Isabela bandang 6:50 ng gabi nitong Hunyo 18.
Isinagawa ang operasyon sa pamamagitan ng pinagsanib na puwersa ng mga operatiba ng Cabagan Municipal Police Station, Isabela Police Provincial Office Provincial Intelligence Unit, Regional Intelligence Division 2, at Provincial Intelligence Team-Isabela East.
Ang suspek ay 65 taong gulang, may asawa, isang construction worker, at residente ng naturang barangay.
Isinagawa ang pag-aresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu kaugnay ng dalawang bilang ng qualified rape. Ayon sa ulat, walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.
Matapos ang pag-aresto, agad na dinala ang suspek sa Camp Lt. Rosauro Toda Jr. City of Ilagan para sa dokumentasyon at kaukulang legal na proseso bago ang kanyang turnover sa hukuman na nagpalabas ng warrant.
Patuloy ang koordinasyon ng mga awtoridad sa pagpapatupad ng batas at paghahain ng kaukulang kaso laban sa akusado.











