--Ads--

CAUAYAN CITY Nasawi ang isang senior citizen mula sa Tuguegarao, Echague, Isabela dahil sa COVID-19.

Ito ang kinumpirma ni Mayor Kiko Dy matapos lumabas ang resulta ng SWAB test ng naturang pasyente ngayong araw.

Ayon kay Mayor Kiko Dy, sa ngayon ay wala pang matukoy na kasaysayan ng paglalakbay ang naturang pasyente sa labas ng kanilang bayan.

Dahil dito, isinailalim na sa lockdown ang barangay Tuguegarao para sa isasagawang contact tracing.

--Ads--

Kaugnay nito ay hiniling ng alkalde ang pang-unawa ng mga nakatira sa naturang barangay.

Muli rin niyang pinaalalahanan ang kanyang mga kababayan na laging mag-ingat at laging sumunod sa mga health protocols para makaiwas sa virus.

Tinig ni Mayor Kiko Dy.