--Ads--

CAUAYAN CITY – Kinumpirma ni Governor Dakila Carlo ‘Dax’ Cua ng lalawigan ng Quirino na nagpositibo sa COVID-19 ang senior doctor ng Quirino Province Medical Center.

Sa naging pahayag ni Governor Cua, sinabi niya na ang nasabing doktor ay hindi naitala sa lalawigan ng Quirino dahil nasa labas ng lalawigan.

Aniya, nasa mabuting kalagayan ang nagpositibong doktor na walang nararamdamang sintomas ng COVID-19 at kasalukuyang nakaadmit sa isang ospital sa labas ng probinsya.

Ang labing limang health workers na close contacts nito ay sumailalim na sa isolation at naisailalim na rin sa swab test.

--Ads--

Bukod dito ay natapos na rin ang sanitation at disinfection sa ospital.

Lahat naman ng mga naunang nagpositibo sa lalawigan ng Quirino ay tuluyan nang naideklarang clinically recovered.

Tinig ni Governor Dakila Carlo ‘Dax’ Cua.