Kinasuhan sa Estados Unidos ng murder ang singer na si d4vd, o David Burke sa tunay na pangalan, kaugnay ng pagkamatay ng 14-anyos na si Celeste Rivas Hernandez na nawawala noong nakaraang taon.
Bukod sa first-degree murder, nahaharap din siya sa iba pang kaso kabilang ang umano’y pakikipagtalik sa menor de edad at mutilation ng bangkay. Itinanggi naman niya ang mga paratang at naghain ng not guilty plea.
Natagpuan noong Setyembre ang labi ng biktima sa loob ng isang abandonadong sasakyan na iniuugnay sa singer. Ayon sa mga awtoridad, posibleng maharap si Burke sa habambuhay na pagkakakulong o parusang kamatayan depende sa magiging takbo ng kaso.
Inaresto siya sa Hollywood at kasalukuyang nakakulong nang walang piyansa habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
Pinaniniwalaang huling nakitang buhay ang biktima matapos pumunta sa tirahan ng singer noong Abril 2025.
Iginiit naman ng kampo ng singer na inosente siya at lalabanan ang mga paratang sa korte.











