Activated na ang Special Investigation Task Group na pinangalanang ‘Rafael Abajo’ SITG upang mapadali ang pagtugis sa mga salarin sa nangyaring pamamaril sa pagdiriwang ng Patronal Fiesta ng San Rafael Abajo, Santo Tomas, Isabela.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Sharon Mallillin, tagapagsalita ng Poice Regional Office 2, sinabi nito ang naturang imbestigasyon ay pinangunahan ni PCol. Manny Bringas katuwang ang ilang opisyal ng PRO 2 kabilang si Regional Director Mariano Rodriguez.
Sa isinagawang pagpupulong ng mga miyembro ng SITG, dito inilatag ang mga hakbang na gagawin upang maresolba ang naturang insidente sa lalong madaling panahon.
Sa ngayon ay wala pang natutukoy na suspek sa pamamaril subalit mayroon nang nakikitang motibo ang mga awtoridad subalit kinakailangan pa ng karagdagang imbestigasyon upang matukoy ang pinakasanhi ng krimen.
Dahil sa pangyayari, nagpadala ng karagdagang pwersa ang kapulisan mula sa Regional 1st Manuever Batallion na mag-o-augment sa area para sa security purposes.
Dinagdagan din ang mga imbestigador upang magsagawa ng malalimang pagsisiyasat upang mapabilis ang pagbibigay ng hustisya sa mga biktima.











