--Ads--

CAUAYAN CITY – Ipinasakamay na ng Department of Agriculture (DA) Region 2 sa mga magsasaka ng palay sa Lunsod ng Cauayan ang solar powered irrigation system na kayang maserbisiyuhan ang nasa 30 hanggang 60 ektarya ng sakahan na kauna-unahan sa Lunsod.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Roberto Busania, Regional technical director for operartions and extension ng DA region 2, sinabi niya na inaasahang magiging malaking tulong ang nasbaing proyekto sa mga magsasakang nasa rain fed areas.

Layunin ng poryektong mapataas ang yield performance ng mga magsasaka at inaasahang aabot sa 6 tons per area.

Aniya taong 2016 nang ilunsad nila ang nasabing proyektong naibabahagi sa mga magsasaka ng palay at Mais.

--Ads--

Sa pamamagitan ng proyekto, aasahan na mas lalaki pa ang ani ng mga magsasaka gayundin ang mga kaparehong proyekto na ilulunsad din ng DA region 2 sa iba pang mga rain feed areas sa lambak ng Cagayan para mas mapataas pa ang ani at produksiyon ng palay at mais sa buong rehiyon.

Sa nangayon may 287% self Suficient rate ang rehiyon dos habang ang sobra ay ipinapadala sa Metro Manila at mga karatig probinsiya.

Maliban sa bigas at palay ay sapat rin ang tustos ng poultry sa rehiyon.