--Ads--

Naitala ng Spain national football team ang kanilang unang panalo sa FIFA World Cup 2026 matapos tambakan ang Saudi Arabia national football team, 4-0, sa kanilang Group H match.

Pinangunahan ni Lamine Yamal ang opensiba ng Spain matapos maitala ang unang goal ng koponan sa ika-10 minuto ng laro. Sinundan ito ng dalawang magkasunod na goal ni Mikel Oyarzabal upang palawakin ang kalamangan ng Spain bago matapos ang unang kalahati. Nadagdagan pa ang kanilang puntos sa ikalawang bahagi ng laban matapos ang isang own goal mula sa depensa ng Saudi Arabia.

Dahil sa panalo, umakyat ang Spain sa apat na puntos sa Group H matapos ang kanilang scoreless draw laban sa Cape Verde sa unang laban. Samantala, nanatili sa isang puntos ang Saudi Arabia at kinakailangang manalo sa kanilang nalalabing laro upang mapanatili ang pag-asang makausad sa susunod na yugto ng torneo.

Samantala, Kapwa hindi umiskor ang kuponan ng Belgium at Iran sa kanilang laban sa Group H.

--Ads--

Nagpakitang-gilas ang mga goalkeeper ng dalawang bansa. Ilang mahahalagang save ang ginawa ni Thibaut Courtois para sa Belgium, habang naging matatag din si Alireza Beiranvand sa pagharang sa mga atake ng Belgian side.

Mas naging mahirap ang laban para sa Belgium matapos mabawasan ng isang manlalaro sa huling bahagi ng laban dahil sa red card, ngunit hindi ito naging abanse ng Iran upang makaiskor.