--Ads--

Mapapaaga ang spring break sa United Arab Emirates dahil sa lumalalang tensiyon sa Middle East.

Ayon kay Bombo International News Correspondent Joekenneth Devera Dumbrigue, nabigyan na ng notice ang mga paaralan at government offices sa UAE na sa susunod na linggo na ang kanilang spring break sa halip sa loob pa sana ng dalawang Linggo.

Aniya, noong nakaraang araw ay bahagyang humupa ang tensiyon sa UAE subalit muling naranasan ang palitan ng putok kahapon.

Gayunman, nasa maayos pa rin naman umanong kalagayan ang mga kagaya niyang Overseas Filipino Workers (OFWs) doon.

--Ads--

Ayon kay Dumbrigue, naglabas ng alert ang pamahalaan ng UAE na iwasang kumuha ng larawan ng video ng mga falling debris, at kung paano iniintercept ng mga awtoridad ang mga pinapalipad na missiles sa kanilang bansa upang mapanatili ang seguridad at hindi ito maging source ng impormasyon mula sa kalabang bansa.

Pwede aniya makulong o pagmultahin ang sinumang mahuhuling lumalabas ng bahay para kumuha ng mga footages alinsunod na rin sa inilabas na abiso ng mga awtoridad.