--Ads--

Umabot sa ₱1.26 trilyon ang kabuuang assets ng Social Security System (SSS) noong 2025, lumampas sa ₱1 trilyon sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng pension fund, ayon sa Department of Finance.

Itinuring ng DOF at ng Social Security Commission (SSC) ang milestone na ito bilang patunay ng matatag na pinansyal na kalagayan, seguridad, at sustainability ng SSS para sa mga miyembro.

Ayon kay Frederick Go, chairman ng SSC, nagpapakita ang rekord na ito na ligtas ang pensiyon at patuloy na napapangalagaan ang benepisyo ng mga miyembro.

Nakapagtala ang SSS ng net-income na ₱142.97 bilyon, tumaas ng 58.4% mula 2024, habang ipinagpatuloy ang taunang pagtaas ng pensiyon, pagpapalawak ng pautang, at iba pang programang pinansyal tulad ng Calamity Loan, Emergency Loan, at papasok na Micro Loan Program.

--Ads--

Sa kabuuan, nakapamahagi ang SSS ng ₱304.94 bilyon sa pensiyon at benepisyo sa 5.66 milyong miyembro sa buong bansa noong nakaraang taon.