--Ads--

CAUAYAN CITY- Nasampahan na ng kaso ang dalawang suspek sa naganap na pananaksak sa isang boarding house sa Brgy. Baligatan, City of Ilagan na ikinasawi ng dalawang katao at ikinasugat ng tatlong iba pa kabilang ang isang suspect.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCapt. Noralyn Andal ang tagapagsalita ng City of Ilagan Police Station, sinabi niya na batay sa kanilang masusing imbestigasyon nagkaroon ng komusyon sa pagitan ng dalawang panig dahil sa kalasingan ng mga suspek.

Napag-alaman na magkapitbahay lamang ang mga suspek at apat na biktima.

Matatandaan na ang mga nasawi sa pananaksak sina Mokren Ismael, 24-anyos at Johaiver Abaga , 29-anyos na kapwa residente ng Barangay Baligatan habang nasugatan naman sina Hamsa Ismael, 19 years old, estudyante ay Jaber Ismael,27 years old na kapwa residente naman ng Centro Poblacion.

--Ads--

Kinilala naman ang mga suspect na sina Rodrigo Apaga, 31 y/o,at Jerry Cawaling, 24 y/o, na kapwa residente ng Brgy. Del Pilar, San Mariano, Isabela.

Sa ngayon nanatili parin ang dalawang nasugatan sa pagamutan at patuloy na nilalapatan ng lunas.