--Ads--

Pinaigting ng mga otoridad sa Santiago City ang kampanya laban sa mga motoristang gumagamit ng modified o masyadong maingay na tambutso, lalo na sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo na nagdudulot ng mas mataas na gastos sa pamasahe at transportasyon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PLtCol. Saturnino Soriano, hepe ng Community Affairs and Development Unit (CADU) ng Santiago City Police Office (SCPO), sinabi niya na patuloy ang kanilang paghuli at pagbibigay ng babala sa mga motoristang lumalabag sa ordinansa laban sa maingay na tambutso. Aniya, layunin ng kampanya na mapanatili ang katahimikan at kaayusan sa komunidad, lalo na sa mga residential areas at malapit sa paaralan.

Aniya ang sobrang ingay mula sa mga motorsiklo ay nakakaapekto sa konsentrasyon ng mga nagmamaneho at sa pang-araw-araw na buhay ng komunidad.

Patuloy naman ang SCPO sa pagsasagawa ng information drive sa mga barangay upang turuan ang mga motorista tungkol sa tamang paggamit ng tambutso, legal na modifications, at ang mga parusang ipinapataw sa mga lalabag sa ordinansa.

--Ads--

Layunin ng kampanya na maging mas maayos at tahimik ang Santiago City, mabawasan ang stress ng mga residente, at mapanatili ang kaayusan sa kalsada.