--Ads--

CAUAYAN CITY – Sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isang 17 anyos na binatilyo matapos maaresto sa drug buy-bust operation.

Ang dinakip dakong 9:50 kagabi ay si Elmo, di tunay na pangalan  at residente ng  Barangay 2, San Mateo, Isabela.

Siya ay DI listed ng Philippine National Police (PNP) sa  San Mateo, Isabela.

Ang drug buy-bust operation ay isinigawa ng San Mateo Police Station sa pakikipag-ugnayan nila sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) region 2 na nagbunga ng pagkadakip ng binatilyo.

--Ads--

Nasamsam sa kanya ang isang heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang pinatuyong dahon ng  Marijuana at buy-bust money na 500 pesos.