Nakahanda na Philippine National Police (PNP) para sa kaligtasan at kaayusan sa ika-54 na anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law, ngayong araw.
Nasa kabuuang 17,018 na mga personnel ang idineploy sa buong bansa para tumiyak sa presensya ng pulisya, at agarang pagresponde sa mga inaasahang lugar na maaaring pagdausan ng mga kilos protesta.
Kabilang sa tatao ang 8,553 na NCRPO personnel, 465 na Regional Support Unit personnel, 1,000 Reactionary Standby Support Force (RSSF), tag 1,000 personnel mula PRO CAR at PRO1, tag-2,000 mula sa PRO3 at PRO4A, at 1,000 tauhan mula sa Philippine Coast Guard.
Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., nakaantabay na ang pulisya at inaasahan nito na ang bawat personnel ay isasagawa ang maximum tolerance , tamang paghatol sa mga bagay-bagay at propesyonalismo.
Nanawagan din ito sa mga lalahok sa mga inaasahang rally na tumulong na maging ligtas at maayos ang mga isasagawang aktibidad.










