--Ads--

Arestado ang isang 37-anyos na tricycle driver na kabilang sa mga Most Wanted Persons matapos silbihan ng warrant of arrest kaugnay ng kasong Rape Through Sexual Assault sa Barangay Centro 2, San Guillermo, Isabela.

Ang suspek ay itinago sa alyas na “Ralph,” binata, tricycle driver, at residente ng Barangay District 2, Reina Mercedes, Isabela.

Pinangunahan ng Tracker Team ng San Guillermo Municipal Police Station (MPS), katuwang ang mga operatiba ng Reina Mercedes MPS, ang operasyon para sa pagpapatupad ng warrant laban sa suspek. Matagumpay siyang naaresto nang walang anumang naitalang insidente.

Ang warrant of arrest ay inilabas noong Hulyo 29, 2026 kaugnay ng kasong Rape Through Sexual Assault, na may inirekomendang piyansang ₱120,000.

--Ads--

Matapos ang pag-aresto, dinala ang suspek sa San Guillermo Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at iba pang legal na proseso bago ito itinurn-over sa korte na naglabas ng warrant.