--Ads--

Tiwala ang Lokal na Pamahalaan ng Reina Mercedes na malaki ang maitutulong sa industriya ng pagsasaka sakaling matapos na ang Turod to Banquero bridge sa nasabing bayan.

Fully funded na ang nasabing tulay at hinihintay na lamang ang completion nito para magamit na ng publiko.

Ayon kay Mayor Maria Lourdes Saguban, nasa P200 million ang budget na inilaan dito upang matapos.

Aniya, noong una ay overflow bridge lamang ang naiisip nilang ipatayo ngunit naging suwestiyon ng DWPH na gawin na itong still bridge upang mas mataas at hindi na bahain pa.

--Ads--

Bukod pa rito, ikinatuwa rin ng alkalde ang tuluy-tuloy na konstruksyon sa nasabing tulay.

Sa ganitong paraan kasi mas mapapabilis ang pagbubukas nito na makakatulong sa mga residente.

Sakaling matapos kasi ito, hindi na kakailanganin pang umikot ang mga motorista sa Naguilian bridge para makatawid.

Samantala, tiwala rin ang mayora na magiging daan din ito para sa pag-unlad pa ng kaniyang bayan.