--Ads--

Iginiit ni Iranian Foreign Minister Abbas Araghchi sa isang pagpupulong sa Tehran na ang Estados Unidos at Israel ang pangunahing dahilan ng lumalalang insecurity sa rehiyon ng Gulf at sa Strait of Hormuz.

Nakipagpulong si Araghchi sa espesyal na sugo ng South Korea na si Chang Byung-ha, kung saan tinalakay rin ang mas malawak na isyu ng seguridad sa rehiyon.

Ayon sa pamahalaan ng Iran, binigyang-diin din ni Araghchi ang mga akusasyon ng “aggression” at “krimen” laban sa US at Israel kaugnay ng kanilang digmaan sa Iran. Hinimok niya ang ibang bansa na maglabas ng malinaw na pagtuligsa sa mga naturang pag-atake.

Dagdag pa niya, kumikilos ang Iran alinsunod sa internasyonal na batas upang protektahan ang kanilang seguridad at interes bilang coastal state, at iginiit na ang responsibilidad sa mga magiging epekto ng tensyon ay nasa mga umanong agresor.

--Ads--