--Ads--
Plano ng US Defense Department na bawiin ang 5,000 sundalong Amerikano mula sa Germany sa gitna ng tensyon sa pagitan nina US President Donald Trump at German Chancellor Friedrich Merz kaugnay ng isyu sa Iran.
Kasunod ito ng mga pahayag ni Trump laban kay Merz at ng mga panawagan na suriin ang presensya ng US troops sa Europe, kabilang ang Italy at Spain. Sa kasalukuyan, may mahigit 36,000 sundalong Amerikano sa Germany.
Ayon sa Pentagon, ang hakbang ay bahagi ng pagsusuri sa deployment ng pwersa ng US sa Europe at inaasahang matatapos sa loob ng 6 hanggang 12 buwan.
--Ads--











