--Ads--

CAUAYAN CITY – Isang virtual exhibit ang isinasagawa ng Provincial Tourism Office ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela bilang paggunita sa ika 157th na kaarawan ni Gat Andres Bonifacio.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Dr. Troy Alexander Miano, isang local historian at Provincial Tourism Officer ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela na kung kadalasan ay nagsasagawa ng taunang exhibit sa Isabela Museum and Library ngayon ay isasagawa ito sa pamamagitan ng virtual exhibit.

Makikita rito ang evolution ng Katipunan flag at iba pang patungkol kay Bonifacio ngayong ipinagdiriwang ng bansa ang ika 157th nitong kaarawan ngayong araw.

Bukas ito sa page ng Isabela Tourism Office sa social media at kung gusto naman itong makita ng actual ay magtungo lamang sa Isabela Museum and Library.

--Ads--

Aniya, papalitan lamang ang mga ito kapag mayroon na namang isang okasyon tulad ng Rizal day sa ika-30 ng Disyembre.

Tiniyak naman ni Dr. Miano na masusunod pa rin ang mga minimum health protocols kontra sa COVID-19.

Dagdag niya na bilang isang local historian ay mayroon na rin siyang nailathala tungkol sa buhay ni Bonifacio na naaangkop para sa mga kabataan at makikita sa social media.

Tinig ni Dr. Troy Alexander Miano.

Ayon pa sa kanya, ngayong may pandemya ay naaangkop na i-ugnay ang mga nagawa ng mga bayani sa bansa.

Aniya, ang mga frontliners ay tulad din ng mga lumaban noon para makamit ng bansa ang kalayaan dahil nagbubuwis din sila ng kanilang buhay para magamot ang mga tinatamaan ng COVID-19.

Mahalaga aniyang makita ng mga kabataan na ang kabayanihan ay hindi lamang maipapakita sa pamamagitan ng pulitika o revolution dahil maituturing ding pagiging bayani ang pagharap ng tama at pagiging matatag sa mga dumarating na problema sa makabagong mundo na ginagalawan ng mga tao ngayon.

Tinig ni Dr. Troy Alexander Miano.