--Ads--

Iginiit ni Vice President Sara Duterte na walang bisa ang impeachment case na isinampa laban sa kanya matapos niyang isumite ang kanyang tugon sa Articles of Impeachment.

Sa kanyang 51-pahinang sagot, sinabi ni Duterte na may bahid ng masamang layunin at malinaw na pagkiling ang proseso ng impeachment kaya dapat itong ideklarang walang bisa.

Kabilang sa mga paratang laban sa bise presidente ang umano’y maling paggamit ng confidential funds, hindi maipaliwanag na yaman, at mga alegasyon ng panunuhol at korapsyon sa Department of Education (DepEd) noong siya pa ang kalihim ng ahensya.

Kasama rin sa mga reklamong kinahaharap niya ang grave threats at inciting sedition kaugnay ng umano’y pagbabanta kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at dating House Speaker Martin Romualdez.

--Ads--