Nilinaw ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na hindi na kinakailangan ang anumang sertipikasyon mula sa Commission on Elections (COMELEC) para sa mga kuwalipikadong public utility vehicle (PUV) driver na kukuha ng cash relief assistance.
Ang paglilinaw ay kasunod ng ulat mula sa Cebu City kung saan isang ‘habal-habal’ driver ang umano’y hiningian ng COMELEC certificate bago makakuha ng ayuda.
Ayon kay Irene Dumlao, layunin ng ahensya na mapabilis ang pamamahagi ng cash assistance kaya hindi na kailangan ang nasabing dokumento.
Ipinaliwanag din niya na ang P5,000 cash assistance ay bahagi ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS), na ibinibigay sa mga kuwalipikadong PUV driver bilang tugon sa pagtaas ng presyo ng langis.











