--Ads--

CAUAYAN CITY- Walang kawala sa mga otoridad ang isang lalakeng lumabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 pagkatapos itong mahuli ng mga otoridad na nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot sa syudad ng Ilagan.

Sa isinagawang anti-illegal drug buy-bust operation ay nasamsam sa suspek na kinilalang si Alyas “Jong” ang isang pakete ng hinihinalang shabu; at isang piraso ng genuine P1000.00-peso bill kasama ang siyam na pirasong 1000 scanned/boodle money (buy-bust money).

Pagkatapos ng operasyon, isinunod naman rito ang pagsasagawa ng imbentaryo at pagmamarka ng mga ebidensya sa harapan ng susupek at nasaksihan ng Brgy. Official at kinatawan mula sa DOJ.

Dinala ang  suspek sa GFMDY Hospital para medikal na pagsusuri at kalaunay ito’y dinala sa himpilan ng Ilagan CCPS sa para dokumentasyon at disposisyon.

--Ads--