--Ads--

CAUAYAN CITY – Arestado ang isang wanted person sa kasong limampu’t-isang bilang ng pagnanakaw sa Brgy. Cabaruan, Cauayan City.

Ang akusado ay si Gerwel Sarmiento, 43-anyos, may asawa, tricycle driver, at residente ng Brgy. Maligaya Cauayan, City.

Naging matagumpay ang pag aresto ng mga kasapi ng Cauayan City Police Station sa nasabing akusado, sa bisa ng Mandamiento de Aresto na inisyu ng hukom.

Mayroon namang inerekomendang piyansa na apatnapung libong piso (php40,000) para sa anim na bilang ng Qualified Theft, dalawampu’t- apat na libong piso (php24,000) para sa labindalawa na bilang ng Qualified Theft at tatlumpung libong piso (Php30,000) para sa tatlumpu’t- tatlo na bilang ng Qualified Theft.

--Ads--

Dinala ang nasabing akusado sa Cauayan Component City Police Station para sa dokumentasyon at tamang disposisyon bago iturn-over sa korte ng pinagmulan.