--Ads--

Muling pinagtibay ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) ang matatag nitong pagpapatupad ng batas matapos makapagtala ng sunod-sunod na operasyonal na tagumpay sa buong lalawigan sa loob ng buwan ng Hulyo 2026.

Sa kampanya laban sa ilegal na droga sa ilalim ng Republic Act No. 9165, nagsagawa ang IPPO ng 21 anti-illegal drug operations na nagresulta sa 25 pagkakaaresto.

Nasamsam ang 675.59 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang Standard Drug Price na ₱4 milyon at 1,100.842 gramo ng marijuana na may tinatayang halaga na ₱132 milyon.

Ang mga operasyon ay isinagawa ng Cauayan City Police Station , Ilagan City Police Station , San Manuel Police Station , Roxas Police Station, Gamu Police Station, Aurora Police Station, San Mateo Police Station, Tumauini Police Station, at Echague Police Station.

--Ads--

Sa pagpapatupad ng Republic Act No. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, nagsagawa ang IPPO ng 108 operasyon na nagresulta sa 5 pagkakaaresto at pagkakakumpiska ng 6 na baril.

Bukod dito, 77 firearms holders ang boluntaryong nagdeposito ng kanilang mga baril, habang 26 improvised firearms (BOGA) ang isinuko sa ilalim ng kampanyang Kontra BOGA.

Ang mga operasyong ito ay matagumpay na isinagawa ng Cauayan City Police Station, Ilagan City Police Station, Jones Police Station at San Pablo Police Station.

Sa ilalim ng Republic Act No. 9516, nagsagawa ang Cauayan City Police Station ng 3 operasyon na nagresulta sa 1 pagkakaaresto, pagkakakumpiska ng 1 explosive, at pagkakarekober ng 6 na explosive devices, bilang bahagi ng patuloy na kampanya laban sa ilegal na pagmamay-ari at paggamit ng mga pampasabog.

Sa kampanya laban sa illegal gambling sa ilalim ng Presidential Decree No. 1602, nagsagawa ang Ilagan City Police Station ng 2 operasyon na nagresulta sa 6 pagkakaaresto at pagkakasamsam ng ₱3,790.00 na perang pantaya.

Sa pagpapatupad ng Presidential Decree No. 705 o Revised Forestry Code of the Philippines, nagsagawa ang IPPO ng 3 operasyon na nagresulta sa 11 pagkakaaresto at pagkakasamsam ng 3,438.96 board feet ng ilegal na troso at tatlong (3) wooden bed frame na may kabuuang tinatayang halaga na ₱201,607.45, bilang bahagi ng patuloy na pangangalaga sa likas na yaman at pagpigil sa illegal logging.
Sa pagpapatupad ng Republic Act No. 9175 o Chainsaw Act of 2002, dalawang (2) operasyon ang isinagawa ng San Guillermo Police Station at Angadanan Police Station na nagresulta sa 7 pagkakaaresto dahil sa ilegal na pagmamay-ari at paggamit ng chainsaw.

Samantala, dalawang (2) operasyon din ang isinagawa sa ilalim ng Republic Act No. 8550 o Philippine Fisheries Code na nagresulta sa 2 pagkakaaresto at pagkakasamsam ng mga ebidensyang nagkakahalaga ng ₱6,160.00.

Sa patuloy namang pagpapatupad ng mga lokal na ordinansa sa iba’t ibang lungsod at bayan ng lalawigan, nakapagtala ang IPPO ng 27,995 apprehensions, kung saan 17,101 ang pinagmulta at 10,894 ang binigyan ng babala o pinalaya. Umabot sa ₱9 milyon ang kabuuang multang nakolekta, na nagpapakita ng mahigpit na pagpapatupad ng mga lokal na batas at ordinansa.