--Ads--

Nagsagawa ng inspeksiyon ang mga opisyal ng Bureau of Customs (BOC) at National Bureau of Investigation (NBI) sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang smuggled na sibuyas at bawang na nasamsam sa isang warehouse sa Barangay Calipahan, Talavera, Nueva Ecija nitong Lunes.

Pinangunahan nina BOC Commissioner Ariel Nepomuceno at NBI Director Melvin Matibag ang pagbisita sa naturang pasilidad kung saan nakaimbak ang mga nakumpiskang produkto.

Ayon sa mga awtoridad, bahagi ng kanilang operasyon ang pagsugpo sa smuggling ng mga produktong agrikultural na nakaaapekto sa kabuhayan ng mga lokal na magsasaka at sa presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon upang matukoy ang pinagmulan ng mga nakumpiskang sibuyas at bawang at ang mga posibleng responsable sa umano’y iligal na pagpasok ng mga ito sa bansa.

--Ads--