--Ads--

Matapos ang malungkot na insidenteng kinasangkutan ni dating Miss Earth 2013 1st Runner-up Lulette Jane “Jing” Ramilo Dela Cruz, nanawagan ang LGU ng San Manuel, Isabela, sa publiko na makiisa sa paghahanap ng hustisya.

Ayon kay Mayor Dondon Dy, may nakalaang โ‚ฑ50,000 na gantimpala sa sinumang makapagbibigay ng mahahalagang impormasyon na makakatulong sa pagdakip sa mga suspek.

Inilarawan ng alkalde ang dating beauty queen, bilang isang mapagmahal na asawa, at maalagang ina ng kanilang tatlong anak.

Samantala, hinimok din ng LGU ang sinumang may kaalaman tungkol sa insidente na agad na lumapit sa San Manuel Police Station at makipagtulungan sa mga awtoridad.

--Ads--