--Ads--

Tinalakay sa pagdinig ng House Committee on Justice ang pagdami ng business interests nina Vice President Sara Duterte at asawang si Atty. Manases Carpio batay sa kanilang SALN mula 2007 hanggang 2024.

Ipinresenta ni Surigao del Norte Rep. Bernadette Barbers ang sunod-sunod na deklarasyon na nagpapakita ng pagtaas ng bilang ng kanilang business interests mula tatlong kumpanya noong 2007 hanggang 10–11 entries sa mga sumunod na taon, kabilang ang mga negosyo sa food, real estate, fisheries, at security services.

Sa pagdinig, kinumpirma ng Office of the Ombudsman na nakasaad lamang sa SALN ang mga naturang datos ngunit hindi maaaring magbigay ng konklusyon sa naging pagtaas ng business interests.

Giit ni Barbers, kailangang masuri ang implikasyon ng lumalaking bilang ng mga negosyo ng mag-asawa at ang kaugnayan nito sa kanilang income at net worth.

--Ads--