--Ads--

CAUAYAN CITY – Naging simple lamang ang selebrasyon ng Pamahalaang Panlalawigan sa 168th Founding Anniversary ng Isabela bilang isang lalawigan.

Unang isinagawa ang isang Misa ng Pasasalamat sa St. Michael the Archangel Cathedral sa Upi, Gamu Isabela.

Ginanap naman ang awarding ceremony para sa 10 most outstanding Isabelenos sa GFNDy Amphitheater, Capitol Building, Capitol Compound, Alibagu, City of Ilagan, Isabela kahapon.

Ginawaran ng parangal ang ibat ibang Isabelino na nagpakita ng hindi matatawarang kontribusyon sa kanilang napiling larangan.

--Ads--

Ginawaran ng parangal si FO1 Jerry Mar Rafael sa kategorya ng Agrikultura habang si Dr. Demetrio Anduyan naman ang pinarangalan sa kategorya ng edukasyon.

Iginawad naman ang parangal sa kategoryang Pamilya sa Monje Family at sa pagnenegosyo o Enterpreneurship ay si Mark Duque at sa Law Enforcement ay si PLtCol. Lord Wilson Adorio.

Sa media category ay ginawaran ng parangal si Rodolfo Antonio Silvestre Jr. Habang sa Culture and Arts ay si Dr, Freddie Cabrera at sa Public Service ay si Hon. Juan Capuchino.

Ginawaran naman ng parangal sa Science and Technology Category si Prof. Betchie Aguinaldo at si Mark Francis Galutera naman ang ginawaran ng parangal sa Young Achiever Category.

Ang Search for Most Outstanding Isabeleños ay isa sa highlight ng Isabela Day bilang pagkilala sa mga mamayang Isabelino sa kanilang natatanging kontribusyon para sa pag-unlad ng kanilang komunidad at kapwa.

Nagsilbi naman bilang myembro ng Selection Committee for the Award si DILG Isabela Provincial Director Corazon D. Toribio kasama ang mga representatives ng ilang National Government Agencies, Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela at pribadong sektor.