--Ads--
Nasawi ang 13 katao, karamihan ay mga bata, matapos tumaob ang isang bangka sa estado ng Bihar sa silangang bahagi ng India nitong Martes.
Ayon kay district magistrate Varsha Singh, sakay ng bangka ang mga pasahero patungo sa isang handaan sa kalapit na nayon nang mangyari ang insidente sa distrito ng Vaishali.
Anim na katao naman ang nailigtas mula sa insidente, ayon sa pulisya.
Patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sanhi ng pagtaob ng bangka, ayon kay regional police officer Subodh Kumar.
--Ads--











