--Ads--

CAUAYAN CITY– Isang 16 anyos na dalagita ang nanganak ng quadruplets sa Santiago City

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginang Lorena Cacayan kanyang inihayag na nagdalang tao ang kanyang pamangkin na 16 anyos ngunit hindi pinanindigan ng kanyang kasintahan.

Ang dalagita ay ulila na sa ama at ang kanyang ina ay nasa ibang bansa at si Ginang Cacayan na lang ang umaalalay sa kanyang pamangkin

Mangiyak ngiyak na humingi ng tulong sa pamamagitan ng Bombo Radyo Cauayan si Ginang Cacayan dahil nangangailangan sila ng malaking halaga na pambayad sa ospital at mga gamot .

--Ads--

Naka-incubate ang quadruplets at umaasa si Ginang Cacayan na magiging malakas ang kanyang pamangkin at apat nitong sanggol.

Bahagi ng pahayag ni Ginang Lorena Cacayan