--Ads--

CAUAYAN CITY – Nasa 18 Barangay na sa Lungsod ng Santiago ang napagkalooban ng libreng binhi at abono sa ilalim ng Hybridization Program ng Kagawaran ng Pagsasaka o DA.

Kabilang sa mga Barangay na ito ang Rizal, San Isidro, Sinili, Ambalatungan, Buenavista, Batal, Abra, Cabulay, Sagana, Plaridel, Patul, Baluarte, Sta. Rosa, Luna, Sinsayon, Naggasican at Divisoria.

Mahigpit na nagpaalala ang City Agriculture Office na First Come, First Serve ang sistema at titiyakin nilang nakaparehistro ang mga magsasakang makakatanggap ng ayuda sa RSBSA.

Mahigpit pa ring ipinapatupad sa pamamahagi ng binhi at abono ang mga Minimum Health Standard pangunahin na ang pagsusuot ng Facemask, Face shield at physical distancing.

--Ads--

Nasa 7, 094 Hectares na binubuo ng humigit kumulang limang libong magsasaka na rehistrado sa RSBSA ang puntirya ng DA na mabigyan ng ayuda.

Umaasa naman ang naturang tanggapan na makakatulong ang mga ayudang binhi at abono sa mga magsasaka sa Lunsod na lubos na naapektuhan ng mga nagdaang kalamidad at bilang preparasyon na rin sa darating na Dry Season.