--Ads--

Dalawang driver ng Solid North Bus Inc., na kamakailan ay nasangkot sa malagim na aksidente sa Subic–Clark–Tarlac Expressway (SCTEX), na ikinasawi ng sampung katao kabilang ang ilang bata ang nagpositibo sa ilegal na droga, ayon sa Department of Transportation (DOTr) nitong Biyernes.

Ayon sa DOTr, nakuha ang resulta mula sa isinagawang mandatory drug testing ng Land Transportation Office (LTO).

Samantala, matapos ang isinagawang roadworthiness inspection sa Zambales, sinabi ng DOTr na 46 sa 276-unit ng Solid North Bus lamang ang nakapasa sa pamantayan ng pagiging ligtas sa kalsada.

Patuloy naman ang inspeksyon ng LTO sa iba pang bus unit ng kumpanya, ayon pa rin sa DOTr.

--Ads--