--Ads--

CAUAYAN CITY -Dalawa ang nasugatan at isa ang nasa kritikal na kondisyon sa naganap na karambola ng dalawang motorsiklo at isang van sa Bayombong, Nueva Vizcaya.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Police Major George Maribbay, hepe ng Bayombong police Station, sinabi niya na patungo ng bayan ng Solano ang yamaha snipper 150 na minamaneho ni Elmer Val Bautista Dela Cruz,habang mula naman sa kasalungat na direksiyon ang Honda XRM 150 na minamaneho ni David Guyayo Gumangan.

Nang makarating sa pinangyarihan ng aksidente ay unang nagkabangaan ang dalawang motorsiklo.

Habang patungo rin sa bayan ng Solano ang mabilis ang takbong L-300 van.

--Ads--

Sinubukan umanong ilawan ng mga residenteng nasa pinangyarihan ng aksidente ang van upang huminto subalit nagpatuloy ang drayber sa mabilis na pagpapatakbo sanhi para muling mabangga ang isa sa mga motorsiklo na nasa gitna ng kalsada.

Agad na dinala sa pagamutan ang mga tsuper ng motorsiklo na nagtamo ng malubhang mga sugat sa katawan.

Nasa kritikal ang kalagayan si Dela Cruz habang nagpapagaling naman si Gumangan dahil sa mga natamong sugat.

Tinig ni PMaj. George Maribbay

Ang tsuper ng L-300 Van ay nasa pangangalaga na ang Bayombong PNP para sa kaukulang dokumentasiyon at disposisyon.