Makalipas ang higit dalawang taon ay natunton at naaresto na ng mga operatiba ng Police Regional Office 2 o PRO 2 ang dalawa mula sa anim na akusadang sangkot sa karumal dumal na pag paslang sa grupo ni Vice Mayor Romel Alameda ng Aparri Cagayan.
Ang nadakip ay si alyas Ramon ang lider ng De Guzman Group at isa pa nitong kasamahan na si Alyas George na kapwa residente ng Lalawigan ng Nueva Ecija.
Ang pag kakaaresto nina Ramon at George ay alinsunod sa inilabas na warrant of arrest ng piskalya dahil sa kasong multiple murder na walang inirekumendang piyansa.
Ang De Guzman group ang siyang nasa likod ng pananambang sa anim na indibiduwal sa Barangay Kinacao, Bagabag, Nueva Vizcaya noong February 19,2023.
Matatandaang sakay ng itim na Hyundasi Starex Van si vice Mayor Alameda kasama sina Alexander Agustin Delos Angeles; Alvin Dela Cruz Abel; Rommel Gerali Alameda; Abraham Dela Cruz Ramos Jr; John Duane Banag Almeda at isa pang indibiduwal ng sila ay tambangan ng anim na suspek na nagpanggap na mga pulis sa harap ng MV Duque Elementary School.
Tumakas ang mga suspek gamit ang puting Mitsubishi Adventure na may plakang SFN 713.
Ang pag kakaaresto sa dalawang suspek ay bunga ng ginawang manhunt operation na ginawa ng composite team na binuo na siyang nag imbestiga sa naturang kaso.
Tila nabunutan ng tinik ang Police Regional Office 2 sa pagkakadakip sa dalawang suspek na miyembro ng isang private armed group dahil sa nawalan na ng oportunidad ang mga indibiduwal na nais na gumamit ng gun for hire ngayong nalalappit na halalan at nawala na rin ang threat p banta sa seguridad ng publiko.