CAUAYAN CITY – Umabot sa mahigit dalawang libong nakumpiskang iligal na paputok ang sinira ng Police Regional Office o PRO 2 at Bureau of Fire Protection o BFP Region 2 sa Lambak ng Cagayan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Sharon Mallillin, tagapagsalita ng PRO 2 sinabi niya na upang maiwasan na ang pagtaas ng bilang ng firecracker-related incident sa Rehiyon ay isinagawa ng pulisya ang pagsira at pagdispose sa mga illegal firecrackers o paputok sa ibat ibang lugar sa Cagayan Valley.
Kabilang sa mga sinirang paputok ang Pla-pla, Super Lolo, Lolo Thunder, Five Star, Boga, Fountain, Kwiton, Kwitis, Judas Belt, Whistle Bomb, Bawang, Piccolo, One Star, Dancing Dragon at iba pa na nasa 2,485 nagkakahalaga ng P31,121.
Ayon kay PMaj. Mallillin ito ay “in line” sa implementasyon ng Ligtas Paskuhan.
Pinangunahan naman ni Police Brigadier General Christopher C Birung, Regional Director ng PRO 2 ang pagsira sa mga paputok.
Sa naging talumpati ng Regional Director, pinaalalahanan niya ang publiko na iprayoridad ang kaligtasan sa pagsalubong ng bagong taon at iwasan na ang pagpapaputok maging ng paggamit ng mga pyrotechnique device.
Hinakayat nito ang publiko na gumamit na lamang ng mga hindi nakakapinsalang materyal sa pagsalubong ng bagong taon o manood na lamang ng fireworks display sa mga designated areas ng mga LGUs.











