--Ads--

Tinamaan ng matinding Israeli air strikes ang Beirut at mga kalapit na lugar sa Lebanon na nagresulta sa pagkasawi ng hindi bababa sa 254 katao at pagkakasugat ng 1,165 iba pa. Ang mga pag-atake ay naganap ilang oras matapos ideklara ang ceasefire sa digmaan ng US-Israel laban sa Iran.

Ayon sa Lebanon Civil Defence, inatake ang commercial at residential areas sa Beirut, kabilang ang Bekaa Valley at southern Lebanon. Itinuring ng Hezbollah ang mga pag-atake ng Israel bilang “war crime”.

Ang mga pag-atake ay nagdulot ng panic sa mga kalsada at sa mga hindi inaasahang lugar sa Beirut.

Iginiit naman ng Israel Defense Forces na tinarget lamang nila ang Hezbollah infrastructure.

--Ads--