--Ads--
Tatlong hinihinalang miyembro ng Ilocos-Cordillera Regional Committee o ICRC ang nasawi matapos makasagupa ng mga tropa ng gobyerno sa Barangay Bonglo, Licuan-Baay, Abra, ngayong Martes, Agosto 4, 2026.
Ayon sa ulat, nakasagupa ng pinagsanib na pwersa ng 50th Infantry (Defender) Battalion at 98th Infantry (Masinag) Battalion ang tinatayang sampung armadong indibidwal habang nagsasagawa ng tuloy-tuloy na operasyon sa lugar bandang alas-11:10 ng umaga.
Narekober umano ng mga sundalo ang tatlong bangkay ng kalaban, dalawang M16 rifle, at isang M14 rifle.
Patuloy pa ang engkwentro at isinasagawa ang follow-up operations ng mga tropa ng pamahalaan.
--Ads--











