--Ads--

CAUAYAN CITY – Dinakip ang tatlong kabataan matapos na maaktuhang nagnanakaw sa isang bodega sa barangay Minante 2.

Ang mga pinaghihinalaan ay nasa edad labing anim hanggang labingwalo.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Ariel Ambatali, security guard ng bodega, sinabi niya na hindi ito ang unang pagkakataon na sila ay manakawan.

Dahil ang bodega ay hindi na operational at niremata na ng bangko ay dalawa na lamang ang guwardiya at wala nang pumupuntang tao ngunit nagtataka ang mga guwardiya dahil nawawala ang mga cable wires sa loob.

--Ads--

Dahil dito mas pinaigting pa ng mga guwardiya ang pagbabantay hanggang sa maaktuhan ang tatlong menor de edad na namumutol ng mga cable wires.

Dumaan ang mga ito sa mataas na bakod ng bodega sa likod.