--Ads--

Tatlong katao ang nasugatan matapos sumalpok ang isang motorbanca sa isang passenger vessel sa karagatan malapit sa Sta. Cruz Island sa Zamboanga City.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), naganap ang insidente bandang alas-6 ng gabi noong Biyernes, Abril 10.

Batay sa paunang ulat, naglalayag ang passenger vessel na MV SUG Adventure nang magkaroon ng problema sa carburetor ang motorbanca na may sakay na tatlong pasahero.

Dahil sa aberya, nawalan ng kontrol ang motorbanca, biglang bumilis, at tuluyang bumangga sa nasabing barko.

--Ads--

Agad namang isinakay ng MV SUG Adventure ang mga sugatang pasahero at dinala sa Port of Zamboanga upang mabigyan ng agarang lunas.

Samantala, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng PCG kaugnay sa insidente.