--Ads--

Arestado ngunit agad ding nakalaya matapos makapagpiyansa ang apat sa 18 dating bodyguard ni dating kongresista Zaldy Co, kaugnay ng kasong cyberlibel sa San Juan City.

Kinumpirma ni San Juan City Chief of Police Col. Anthony Gantang ang pag-aresto sa apat habang humaharap ang mga ito sa isa pang kaso sa Hall of Justice sa San Juan City.

Ayon kay Gantang, nakapagpiyansa ang apat dakong alas-4 ng hapon nitong Biyernes, kung saan tig-10,000 piso ang kanilang inilagak na piyansa para sa cyberlibel case.

Samantala, hindi bababa sa 10 iba pang dating bodyguard ni Co ang naaresto naman dahil sa mga kasong perjury.

--Ads--

Nakilala ang mga dating bodyguard bilang “maleta boys” matapos nilang ibunyag na naghahatid umano sila ng pera para kay Co at ilang iba pang personalidad.

Gayunman, apat sa 18 ang bumaliktad at binawi ang kanilang mga testimonya at nagpahayag na nais na lamang nilang manahimik.