CAUAYAN CITY – Apat pang barangay ang sinertipikahan ng Philippine Drug Enforce ment Agency (PDEA) region 2 na drug free at drug cleared barangay.
Sa 91 na barangay ng Lunsod ng Ilagan ay 47 ang drug affected.
Sa nakuhang impormasyon Bombo Radyo Cauayan sa City of Ilagan Police Station, ang pinakahuling idineklara ng PDEA reion 2 na drug cleared ay ang Marana 3rd at Sipay habang drug free ang San Lorenzo at San Andres.
Sa susunod na buwan ay puntirya na maideklarang drug cleared at drug free ang anim pang barangay sa Lunsod ng Ilagan.
Umaasa ang City of Ilagan Police Station na sunud-sunod na ang pag-apruba ng PDEA region 2 sa mga inirekomenda nilang barangay na maideklarang drug cleared.
Patuloy din ang isinasagawang Community-based rehabilitation and wellness program sa mga sumukong drug personality.