CAUAYAN CITY – Nagdulot ng pagkabahala sa mga mamamayan ngunit walang naitalang pinsala ang 5.6 Magnitude na lindol na naganap dakong 5:19 kahapon.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer Butch Bartolome ng Maconacon Isabela, sinabi niya na naramdaman din ang 11 aftershocks matapos ang pagyanig base sa inilabas na datos ng Office of Civil Defense (OCD) at ang una at pangalawa ang bahagyang may kalakasan na nasa 3.5 Magnitude.
Aniya, nakita ang episentro ng nasabing aftershock sa pagitan ng Reina Mercedes at Santa Maria.
Matapos ang pagyanig ay agad na minonitor ng MDRRMO Maconacon ang lagay ng dagat at nanatili namang normal ang lebel.
Nagpapatuloy pa ang kanilang berepikasyon sa mga maaaring naitalang sira sa mga imprastraktura at pakikipag-ugnayan na rin sa publiko kung may mga naitalang sira sa kanilang mga bahay.










