--Ads--

Limang katao, kabilang ang isang mamamahayag, ang nasawi sa pag-atake ng Israel sa timog na ba Lebanon sa gitna ng tigil-putukan. Unang tinamaan ang isang sasakyan sa bayan ng At-Tiri na ikinasawi ng dalawang sakay.

Sa sumunod na air strike, tinamaan ang isang gusali kung saan na-trap at namatay ang mamamahayag na si Amal Khalil. Kritikal naman ang isa pang mamamahayag na si Zeinab Faraj. Nasa lugar sila upang i-cover ang naunang pag-atake.

Ayon sa Lebanon, sinadya umanong targetin ang mga mamamahayag at nahirapan ang rescue teams dahil sa patuloy na pambobomba. Kinondena naman ng gobyerno ang naturang pag-atake.